
Tinalakay ng mga guro, mananaliksik at mag-aaral mula sa iba’t ibang paaralan sa Bukidnon ang ugnayan ng wikang Filipino, artificial intelligence (AI) at pananaliksik sa “Tertulyang Pangwika 2026” noong Agosto 14, 2026 sa Bukidnon State University (BukSU).
Isinagawa ang pagtitipon sa ilalim ng temang “Wika, AI, at Karunungan: Diskurso at Tertulya sa Hinaharap ng Pananaliksik” sa pakikipagtulungan ng BukSU at Komisyon sa Wikang Filipino (KWF).
Ayon kay KWF Chair Commissioner Atty. Marites A. Barrios-Taran, may papel ang wikang Filipino sa pagpapalaganap ng kaalaman at pananaliksik habang ginagamit ang AI sa mga gawaing akademiko.
“Sa makabagong panahon ng Artificial Intelligence, lalong naging mahalaga ang wikang Filipino bilang tulay ng kaalaman, saliksik at inklusibong pag-unlad. Kinikilala ng tema ng Buwan ng Wika 2026 ang magkaugnay na papel ng wikang Filipino at AI para sa mga bansang gawaing pananaliksik at pagtuklas ng mga bagay, proseso at sistema na kapaki-pakinabang sa tao,” ayon kay Komisyoner Barrios-Taran.
Kasama sa programa ang mga parallel session at workshop na tumalakay sa pananaliksik sa wika kaugnay ng pag-unlad ng teknolohiya. Kabilang sa mga paksa ang paggamit ng AI sa pananaliksik, teknolohiya sa pag-aaral ng wika at edukasyong pangwika sa digital na kapaligiran.
Kabilang sa mga workshop ang “Paggamit ng AI sa Pagsasalin at Dokumentasyon ng Wika,” “Pananaliksik sa Wika at Teknolohiya: Mga Hamon at Oportunidad,” at “Edukasyong Pangwika sa Era ng Digitalization.”
Nagbahagi ang mga panelista at tagapagsalita ng kanilang kaalaman at karanasan sa paggamit ng teknolohiya sa kanilang mga pananaliksik. Tinalakay rin sa mga sesyon ang mga usaping etikal kaugnay ng paggamit ng AI sa pananaliksik at edukasyon.
Kasama rin sa mga talakayan ang pagpapanatili ng mga katutubong wika at kultura habang ginagamit ang mga bagong teknolohiya sa pananaliksik at edukasyon.
Para sa mga mag-aaral na dumalo, nagsilbi ang tertulya bilang pagkakataon upang talakayin ang papel ng wikang Filipino, kultura at tradisyon sa edukasyon at pananaliksik.
“Mahalaga para sa akin ang pagdaraos ng tertulyang ito dahil dito ay mabibigyan ng pagkakataon na mapahalagahan at maipapanatili ang ating wika. Nagbibigay ng inspirasyon at pagganyak sa akin ang pagpapanatili ng wikang Filipino, kultura at tradisyon dahil dito ay maipapasa pa natin ang mga ito sa mga susunod na henerasyon. Lalo na’t ito ay naipamana sa atin ng ating mga ninuno,” sabi ni Jenie M. Sareno, mag-aaral ng Bachelor of Secondary Education Major in Filipino.
Sinabi naman ni Mike James L. Aranes, mag-aaral ng Bachelor of Secondary Education Major in Filipino, na nagbigay ang pagtitipon ng pagkakataon upang talakayin ang iba’t ibang paksa tungkol sa wikang Filipino at kasaysayan nito.
“Ang tertulyang ito ay mahalaga dahil dito ay tinatalakay natin ang iba’t ibang paksa upang maireserba at malaman natin ang kahalagahan nito sa mga Pilipino. Ito naman ay nagbibigay ng motibasyon sa akin sapagkat alam ko na marami ang pinagdaanan upang maisalin at matawag itong “ating wikang Pilipino,” saad ni Mike James L. Aranes, mag-aaral ng Bachelor of Secondary Education Major in Filipino. (Cziaralyn A. Fernandez/ BukSU IU intern)

Local artisans in the Daraghuyan-Bukidnon Tribal Community will use new machinery to produce indigenous drums in less time through a project of Bukidnon State University

Residents of Sitio Kiito, Barangay Can-ayan will gain access to a solar charging station through Project Kanunay, a Community Empowerment through Science and Technology (CEST)

Bukidnon State University (BukSU) formally opened the province’s first medical school on August 7, 2026, with 32 students entering the inaugural Doctor of Medicine class

A research initiative on how gender influences water access, sanitation, hygiene, and wastewater services in Philippine communities is the focus of a Memorandum of Agreement