Home » News & Announcements » Buwan ng Wikang Pambansa 2024 Inilusad ng BukSU
Inilusad ng Bukidnon Studies Center at Sentro ng Wika at Kultura (SWAK) ng Bukidnon State University (BukSU) ang pagdiriwang ng Buwang ng Wikang Pambansa 2024 mula Agosto 1 hanggang 31.
Nakasentro ang selebrasyon ngayong taon sa temang: Filipino, Wikang Mapagpalaya.
“Ano-ano ang katangian ng wika upang maging behikulo ng pagpapalaya? Kung ang nasyon ay gagamit ng wikang Filipino sa pakikipagtransaksyon sa pamahalaan, lalong mararamdaman ng mamamayan ang serbisyong pambayan na sa kanila ay inilalaan. At kugn wikang Filipino ang magiging midyum sa propesyonalisasyon at paggawa, mapuputol ang tanikala ng kahirapan sa bansa, “paliwanang ni Dr. Benjamin M. Mendillo Jr., ang Komisyoner sa Pangasiwaan at Pananalapi ng Komisyon ng Wikang Filipino (KWF) sa isang press conference.
Ayon kay BukSU SWAK Director, Dr. Rodello Pepito, magkakaroon ng ‘culmination program’ ang bawat antas mula elementarya at kolehiyo bilangn pagdiriwang sa okasyon.
Magsasagawa rin ang SWAK ng workshop sa maga katutubong Manobo-Pulangiyen sa Dangcagan, Bukidnon para sa pag-usapan ang mga hakpan para makapaunlad pa ang kanilang katutubong linggwahe.
Ang “Buwan ng Wikang Pambansa: ay ipinagdiriwang kada agosto ng taon bilang pagtalima sa Pampanguluhang Proklamasyon Bilang 1041 na nilagdaan ni Pangulong Fidel V. Ramos noong 1997. (BukSU-Information Unit)
Bukidnon State University (BukSU) continues to make its mark in the global innovation landscape, securing a spot in the Top 400 of the World University
Bukidnon State University (BukSU) joins the 5th Hanseatic League of Universities (HLU) Annual Conference, a global gathering of academic institutions committed to innovation, collaboration, and
A new research project aimed at documenting bryophyte species in Mindanao began its initial fieldwork in Mt. Pigngalngalnan- Mt. Kalo-Kalo located within the Kalatungan Range,
The Bukidnon State University Research and Development Unit conducted the “Research Champion’s Bootcamp: Research Mentorship and Innovation Series” in June 30- July 2, 2025, to