MALAYBALAY CITY (OP-IPS) Muling nagwagi at nakasungkit ng ikatlong gantimpala si Precioso M. Dahe, Jr. sa taunang timpalak ng Komisyon sa Wikang Filipino ang KWF Sanaysay ng Taon.
Siya rin ay nakasungkit ng unang gantimpala noong nagdaang taon (2019) sa nasabing timpalak.
Si Ginoong Dahe ay dating mag-aaral sa Bukidnon State University sa kursong Bachelor of Secondary Education (BSE) major in Filipino na nagtapos noong 2017.
Sa kanyang panahon bilang mag-aaral, nakasungkit din siya ng ikaapat na gantimpala sa Mindanao Association of State Tertiary School (MASTS) 2015, ikalawang gantimpala naman sa MASTS 2016, at ikatlong gantimpala sa Philippine Association of State Universities and Colleges (PASUC) 2016 na kung saan ay lagi niyang ibinabantayog ang pamantasan na kanyang pinanggalingan, ang BukSU.
Ang kanyang dating tagasanay sa larangan ng pagsulat ng sanaysay, Dr. Rodello D. Pepito ay nagpahatid ng pasasalamat at galak sa natamong tagumpay ng kanyang mag-aaral.
Sa kasalukuyan, siya ay nagtuturo sa Kinawe National High School, Kinawe, Bukidnon. (OP-Information and Publication Service with a report from Dr. Rodello D. Pepito/SWAK Director)
Mr. Melendez is a graduate from the Bachelor of Arts in English Language program. The commencement exercise was held in the Gymnasium of Bukidnon State
MALAYBALAY CITY – In line with CMO 09 s. 2013, which establishes the Enhanced Policies and Guidelines on Student Affairs and Services, the creation of
BukSU extension project and program leaders attended this capdev to capacitate them on calculating and documenting the return of investment of extension projects. The resource
MALAYBALAY CITY (IPS) Two programs from the College of Arts and Sciences, along with six other programs from two other colleges of Bukidnon State University,