Search by
Keyword
Purpose

Tertulyang Pangwika 2021, tagumpay na naidaos ng BukSU SWAK

Kumakailan lamang ay tagumpay na naidaos ng Sentro ng Wika at Kultura ng Bukidnon State University ang dalawang araw na Tertulyang Pangwika 2021 noong 4 Agosto at 11 Agosto 2021.

Ang banggit na tertulyang pangwika ay binuksan noong 4 Agosto 2021 bilang pambukas na palatuntunan sa pagdiriwang ng taunang Buwan ng Wikang Pambansa 2021 na may temang/paksang-diwa na “Filipino at mga Katutubong Wika sa Dekolonisasyon ng Pag-iisip ng mga Pilipino.”

Binigyan ni Prop. Loreta Sol L. Dinlayan, Direktor ng Bukidnon Studies Center, ng bating pagtanggap ang lahat ng mga kalahok na nagmumula sa iba’t ibang panig ng Pilipinas.

Nagiging panauhing pandangal naman si G. Jomar I. Cañega, OIC- Sangay ng Edukasyon at Networking ng Komisyon sa Wikang Filipino at nagiging tagapanayam naman si G. Precioso M. Dahe, Jr., mananaysay ng KWF sa taong 2019.

Sa ibang dako, mas nagiging masigla at kaaya-aya ang ikalawang araw ng tertulyang pangwika 2021 sa Bukidnon State University na itinataguyod ng Komisyon sa Wikang Filipino at ng BukSU-Sentro ng Wika at Kultura sapagkat nagiging espesyal na panauhing pandangal ang tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino si Kom. Arthur P. Casanova, PhD.

Gayundin, Binigyan ni Dr. Joy M. Mirasol, Ikalawang Pangulo sa Saliksik, Ekstensyon, at Inobasyon ng bating pagtanggap ang lahat ng mga kalahok na mag-aaral, guro, edukador at mananaliksik.

Higit sa lahat, mas malaman at mainit ang talakayan ng banggit na tertulyang pangwika sapagkat nagiging tagapanayam ang mga bigating propesor ng BukSU na sina Prop. Loreta Sol Dinlayan, Prop. Liza B. Yambagon, at Dr. Mary Jean T. Palabrica na kapwa tinalakay ang wika, ortograpiya, at kultura ng mga tribu sa probinsiya ng Bukidnon.

Sa kabuuan, nagiging mapayapa, matagumpay, at siksik sa laman ang mga talakayan ng tertulyang pangwika 2021 sa Bukidnon State University. Ang tagapagtaguyod ng gawain na ito ay tauspusong kinikilala ang lahat ng mga nakikiisa upang magtagumpay ang gawain na ito. Maraming salamat sa sumusunod: Dr. Oscar B. Cabañelez, pangulo ng BukSU, Dr. Joy M. Molina, Prop. Loreta Sol L. Dinlayan, Dr. Jose Evie Duclay, G. Jomar I. Cañega, G. Loyd Anthony Gonzales, at G. Darius Leo Castada. “Mabuhay ang BukSU! Mabuhay ang KWF! Mabuhay ang SWAK ng BukSU!” (Rodello D. Pepito, Sentro ng Wika at Kultura)

Share on facebook
Share on email
Share on print
Related Posts

Notice of Hiring – 30 Plantilla Items

Administrative Officer III (Records Officer II) – General Services Unit Administrative Officer III (Supply Officer II) – Procurement Unit Board Secretary I – University Board

Educate. Innovate. Lead.
Admissions
Registrar
Guidance Counselors
Contact Us
Customer Feedback