Home / Academics / Mag-aaral ng BSE Filipino muling nagwagi sa KWF Sanaysay ng Taon

 

g. dahe

MALAYBALAY CITY (OP-IPS) Muling nagwagi at nakasungkit ng ikatlong gantimpala si Precioso M. Dahe, Jr. sa taunang timpalak ng Komisyon sa Wikang Filipino ang KWF Sanaysay ng Taon.

Siya rin ay nakasungkit ng unang gantimpala  noong nagdaang taon (2019) sa nasabing timpalak.

Si Ginoong Dahe ay dating mag-aaral sa Bukidnon State University sa kursong Bachelor of Secondary Education (BSE) major in Filipino na nagtapos noong 2017.

Sa kanyang panahon bilang mag-aaral, nakasungkit din siya ng ikaapat na  gantimpala sa Mindanao Association of State Tertiary School (MASTS) 2015, ikalawang gantimpala naman sa MASTS 2016, at ikatlong gantimpala sa Philippine Association of State Universities and Colleges (PASUC) 2016 na kung saan ay lagi niyang ibinabantayog ang pamantasan na kanyang pinanggalingan, ang  BukSU.

Ang kanyang dating tagasanay sa larangan ng pagsulat ng sanaysay, Dr. Rodello D. Pepito ay nagpahatid ng pasasalamat at galak sa natamong tagumpay ng kanyang mag-aaral.

Sa kasalukuyan, siya ay nagtuturo sa Kinawe National High School, Kinawe, Bukidnon. (Sentro ng Wika at Kultura for OP-Information and Publication Service)

 
 
 
Customer Feedback